Matagumpay na nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation, sa pakikipagtulungan ng Ayala Alabang Village Association (AAVA) Security Department, ang mga hindi rehistradong baril at magazine mula sa 10 Chinese national at 5 Filipino na nagsisilbing bodyguard sa ikinasang raid sa Santiago Street residence.
Ang operasyon na humantong sa pagkakadakip ng mga suspek ay isinagawa ng mga NBI officers sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte.
Isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakakompiska ng mga sumusunod na gamit: isang hindi lisensiyadong .45 caliber pistol na may magazine at dalawang 40-caliber pistols na may tig-isang magazine.
Kinumpiska rin ng NBI ang lahat ng identification documents na natagpuan sa site para sa beripikasyon.
Dinala ang 10 Chinese nationals at 5 Filipino sa kustodiya ng NBI dakong alas-2:30 ng madaling araw para sa karagdagang katanungan tungkol sa posibleng violations at immigration laws.
“The AAVA Security Department fully cooperated with the NBI team throughout this operation, which also involved crucial assistance from Barangay Ayala Alabang official and tanod,” ayon sa inilabas na kalatas ng Ayala Alabang Village Association.
“We Appreciate the professionalism of all law enforcement units involved in maintaining the safety at security of our village. AAVA remains committed to upholding all applicable law in our community,” dagdag pa nito.
More Stories
Loteyro ang da best sa Samahang Plaridel golfest
P1.7-M SHABU NAKUMPISKA SA 3 HVI SA CAVITE
P374K shabu, nakumpiska sa HVI drug suspect sa Valenzuela