MAYNILA – Tama at makatwiran para sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang napagkasunduan ng Metro Manila mayors na higpitan ang kanilang mga constituents na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.
Kasunod na rin ito ng biglaang paglobo ng kaso ng COVID-19 noong mga nakaraang araw at itinaas na sa Alert Level 3 ang National Capital Region.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año na suportado ng DILG ang resolusyon ng Metro Manila Council na pagbawalan munang palabasin ang mga unvaccinated individuals maliban na lamang kung bibili ng “essential goods and services.”
Hindi rin papayagan ang mga itong pumasok sa mga restaurants maging sa outdoors, malls at public transportation sa Metro Manila.
“Eighty percent of those in the Intensive Care Unit are unvaccinated. It’s only proper and reasonable for the MMC to implement such a policy,” saad niya sa isang pahayag.
Sinabi niya na ang pagbabakuna, kasama ng mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards (MPHS) ay magbibigay-daan sa mga awtoridad na kontrolin ang pagkalat ng Delta at Omicron variants.
“To ensure that NCR residents and workers are protected from community infections, it is but proper that only vaccinated individuals will be allowed unrestricted mobility,” giit niya.
Ninilaw naman ni MMDA chairman Benhur Abalos na ang kanilang isasagawang paghihigpit sa mga hindi pa bakunado ay pansamantala lamang habang nasa Alert Level 3 ang NCR.
Layon nitong maprotektahan ang ating mga kababayang wala pang bakuna.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI