November 23, 2024

MGA DAYUHAN NA ASAWA, ANAK AT MAGULANG NG FILIPINO, ‘DI NAKAILANGAN MAGPAKITA NG ENTRY EXEMPTION DOC SIMULA AGOSTO 1 – BI



Inanunsiyo ng Bureau of Immigration na simula sa Agosto 1 ay hindi na kailangan pang ipakita sa kanilang mga tauhan sa mga daungan ang entry exemption document (EED) mula sa mga dayuhan na asawa, anak at magulang ng Filipino na bibiyahe mula sa Pilipinas bilang mga turista upang bisitahin ang kanilang mga  kaanak dito.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang bagong polisya ay alinsunod sa pinakabagong resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management Emerging Infection Diseases (IATF) na kung saan niluluwagan ang entry travel requirements para sa mga dayuhan na may kaugnayan sa marriage o filiation sa mga Filipino.

Matatandaan kasi na pinayagang makapasok ang mga alien sa Pilipinas kung mayroon silang valid 9(a) tourist visas pati na rin ang EED na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng kanilang iba’t ibang embahada o konsulado abroad.

Hindi papayagan makapasok at pababalikin pagdating sa mga daungan ang mga walang maipapakita kahit isa sa dalawang mga dokumentong nabanggit.