SUMAILALIM sa mandatory COVID-19 swab test ngayong araw ang mga indibidwal na personal na dadalo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Hulyo 27.
Pinangunahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang swab testing na isinagawa sa loob ng Batasang Pambansa complex.
Bukod kay Cayetano, sumailalim rin sa swab test ang ilan pang mga mambabatas at kanilang mga staff, pati na rin ang ilang opisyal ng pamahalaan.
Nauna nang sinabi ni House Deputy Secretary General for Administration Department Dr. Ramon Ricardo Roque na dalawang tests ang kailangan na pagdaanan ng mga guests at technical staff na tutungo sa Batasang Pambansa complex para sa SONA.
Bukod sa RT-PCR test, na sinasabing “gold standard” sa COVID-19 testing, kailangan sumailalim ng mga dadalo sa SONA sa rapid test.
Sinumang magpositibo sa RT-PCR o rapid test ay hindi papahintulutang makapasok sa loob ng session hall, ayon kay Roque.
Dahil sa banta ng COVID-19, nilimitahan ng mga organizers ang bilang ng mga taong papapasukin sa Batasang Pambansa para matiyak ang kaligtasan ni Duterte at ng iba pang government officials.
Sinabi ni House Secretary General Jose Luis Montales na ang bilang ng mga mambabatas at opisyal ng Kamara na present sa session hall ay lilimitahan sa 25.
Ang mga dadalo sa pagbubukas ng session sa umaga ang siya ring papayagan lamang makadalo ng personal sa speech ng Pangulo sa hapon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA