December 24, 2024

Mga Coral reefs, dapat nating protektahan at alagaan

Muli, isa na naman pong magandang araw sa inyo mga minamahal kong mga kababayan. Mga ginigiliw kong mga Ka-Sampaguita.

Nawa’y nasa mabuti po kayong kalagayan at di nawa magmaliw ang di nauubos na biyaya ng ating Panginoong Diyos.

Marahil, binabalewala natin ang lagay ng mga karagatan dahil sa nakatuon ang pansin natin sa pandemya.

Pero, malaki ang magiging epekto nito sa atin sa hinaharap. Kaya nga, dapat natin itong pahalagahan. Hinikayat ng environment group na Philippine Coral Bleaching Watch ang publiko.

Na i-report ang kondisyon ng mga coral reefs o bahura sa kani-kanilang lugar.

Ika nga noon ni ng group coordinator na si Miledel Quibilan “We need everyone’s help on the matter,”at sinabing 26,000 square kilometers ang saklaw ng mga bahura sa bansa.

Inihayag nito na maaaring magboluntaryong mag-report ang publiko gamit ang kanilang mga Facebook account o ang app ng grupo.

Ang report hinggil sa kung ang mga bahura ay namumutla o maputi na ay makatutulong sa mga siyentista na mabantayan at mapag-aralan ang labis nang pinsala sa ecosystem.

Ang kanilang mga matutuklasan ay makatutulong na matukoy ang mga posibleng paraan para mapangalagaan at maisalba ang mga bahura.

Ang pagkaubos ng coral cover ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng pamahalaan ang mga bahura, para sa benepisyo ng susunod na henerasyon, aniya.

Ang mga bahura ay mga likhang nasa ilalim ng tubig, at nabuo sa paglipas ng mga taon, mula sa mga kalansay ng mga hayop sa dagat, na permanente nang nakadikit sa kailaliman ng dagat, ayon sa mga eksperto.

Anila, ang mga bahura ay kabilang sa pinakamahahalagang ecosystem, dahil tinitirahan ito ng iba’t ibang uri ng hayop, kabilang ang mga pinakaimportanteng isda.

Malaki ang maitutulong ng mga bahura sa mga ating mga karagatan— na ang magbe-benispisyo ay ang atin ding mga mangingisda. Kapag maraming isda sa isang area na malapit o nasa mismong mga mahura, maraming mahuhuli ang mga mangingisda. Yun nga lang, huwag abusuhin.

Kaya, kumilos na ang mga kinauukulan, gayun din dapat ang mga indibidwal.

Pagmalasakitan ang mga anyong-dagat at yaman nito. Huwag na nating hintayin na sa malayo pa tayo makahuhuli ng isda. VIva La Raza.