Araw-araw na naglilinis ang mga worker with disabilities sa isang dormitoryo na gawa sa container sa Cainta, Rizal.
Ang 24 steel container na pinagdikit-dikit at pinagpatong-patong para gawing dormitoryo ay maaring rentahan para tirhan sa halagang P1,995 hanggang P2,995 per month, na nakatirik sa 1,200 sqm na lote sa Cainta.
Mayroong 400 tenants ang nakatira sa nasabing mga container, karamihan sa mga ito ay mga migrant workers at estudyante.
Layon ng Department of Human Settlements and Urban Development sa pakikipagtulungan ng local governments ng Metro Manila, na pansamantalang matirhan ng mga informal settlers ang mga shipping containers, hanggang matapos ang kanilang mga bagong bahay sa ilalim ng Pabahay Para sa Pilipino Program ng administrasyong Marcos.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO