December 25, 2024

Mga commuters at motorista, natuwa sa T-Rex in NLEX

Maraming motorista ang natuwa sa ginhawang dulot ng trapiko nitong mga nagdaang araw sa NLEX. Wala na kasing che-che burecheng toll fee para sa mga motorista.

Hindi kagaya nung dati. Tengga ang trapik. Mistulang sinala angmga sasakyan kapag rumekta na sa toll fee. Gayundin sa minsang dispalingadong RFID.

Pero ngayon, libre ang daan sa toll gate. Kaya walang hasel sa biyahe. Ito’y bunsod ng pagsuspendi ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa business permit ng NLEX.

Napuno si Mayor Gatchalian dahil sa matinding trapik lalo nangayong holiday season. Bukod dito ang reklamo ng mga motorist na dumadaan sa NLEX. Itinigil kasi ang truck ban.

Gayundin ang color coding scheme ng MMDA. Kaya, mistulang paradahan na ng mga sasakyan ang NLEX.

Sumulat sa NLEX ang Lungsod ng Valenzuela para hingin ang solusyon sa traffic problem. Hindi rin pinagbigyan ng siyudad ang 15 araw na rekwest ng NLEX upang maimbestigahan ang suliranin.

Kaya, nagmistulang T-Rex sa NLEX si Gatchalian na ikinatuwa ngmga motoristang dumaraan sa toll gate sa Valenzuela.

Pero, napikon ang alkalde. Aniya, 7 taon na ang RFID. Kaya, wala sa hulog na iimbestigahan pa ang problema. Malaking konsumisyon  aniya yan sa mga commuters.

Ang pagsuspinde sa business permit ay nasa police power ng Valenzuela. Sinabi rin ng alkalde na dapat humingi ng sorry ang NLEX sa naperwisyo.

Gayundin ang pagdedeklara ng toll holiday habang inaayos ang sistema. Sa nangyaring ito, marami ang humanga sa alkalde.