
QUEZON CITY — Dalawang araw matapos ang halalan, inilipat ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ang mga campaign tarpaulin sa Payatas Controlled Disposal Facility bilang bahagi ng inisyatibong pangkalikasan ng lungsod.
Ayon sa DPOS, ang mga tarpaulin ay maayos na isasailalim sa segregasyon upang mapadali ang kanilang upcycling o muling paggamit sa ibang kapaki-pakinabang na paraan.
Kapansin-pansin na sa halip na itapon, bibigyang panibagong silbi ang mga campaign material sa tulong ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ilang pribadong organisasyon.
Layunin ng programang ito na hindi lamang mabawasan ang basura pagkatapos ng eleksyon, kundi makatulong rin sa pagbibigay ng kabuhayan at makabuluhang gawain sa mga PDL.
Inaanyayahan ng DPOS ang publiko at mga kandidato na makiisa sa kampanyang ito sa pamamagitan ng maayos na pagtatanggal at pagsasapasa ng kanilang mga campaign materials para sa upcycling.
Ang Quezon City ay isa sa mga lokal na pamahalaang aktibong nagtutulak ng mga eco-friendly na programa sa tuwing dumarating ang halalan.
More Stories
CA JUSTICES NA DUTERTE APPOINTEES, BINAWI ANG ACQUITTAL NI DE LIMA
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Senior Citizens Party List, Nagpasalamat sa Malawak na Suporta ng mga Botante