BINISITA nina Cong. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco para kamustahin ang mga benepisyaryo ng medical assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Mahigit 200 Navoteño ang nakatanggap ng tulong pinansyal para sa kanilang pangangailangang medikal tulad ng maintenance medicine, dialysis, cancer treatment, at iba pa. Ang programang ito ay mula sa pondo ni Cong. Toby Tiangco na inilaan sa Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR). (JUVY LUCERO)


More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon