PAMPANGA, PHILIPPINES
Iso-showcase ng mga benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa rehiyon ang kanilang mga produkto mula Nobyembre 18 hanggang 21, 2021 sa activity center sa Walter Mart sa San Fernando, Pampanga.
Isasagawa ang physical trade fair matapos luwagan ang restriksyon upang tulungan makabangon ang negosyo.
Ayon sa DTI-3, titiyakin nila na masusunod ang mandatory health protocols sa lahat ng sellers at buyers sa nasabing fair.
Magbebenta ang 50 micro at small enterprises mula sa agrarian reform communities ng pitong lalawigan sa Central Luzon ng kanilang iba’t ibang uri ng produkto sa ikalimang taon ng Regional CARP Trade Fair na inorganisa ng Department of Trade and Industry Regional Office III (DTI-3).
Natupad ang CARP regional trade fair dahil sa kooperasyon at partnership ng DTI, Department of Agrarian Reform at Walter Mart.
Sinusuportahan ng DTI ang livelihood component ng agrarian reform program sa pamamagitan ng pagbibigay ng livelihood skills training, provision ng Shared Service Facilities, product development assistance, marketing support sa pamamagitan ng exposure ng CARP beneficiaries’ product sa trade fairs at market matching.
More Stories
150 PDL IBINIYAHE SA LEYTE
World Slasher Cup nakatakda sa Jan. 20-26 sa Araneta Coliseum
BONG GO: BIKOY DAPAT MAGPATINGIN SA MENTAL HOSPITAL!