
Nanawagan ang Philippine Medical Association sa mga magulang at guardians na huwag dalhin ang mga bata na may edad 11 pababa sa loob ng mall sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“Kahit anong level ang ipatupad, ang hiling natin sa mga magulang ay huwag muna dalhin sa mga mall ang ating mga anak lalo na sa 11 years old pababa,” ayon kay Dr. Benito Atienza, PMA President.
“Wala pang available [na bakuna] sa kanila. Ang kailangan ay dalhin sila sa mga park, may social distancing,” dagdag niya.
Kamakailan lang ay nagpositibo sa COVID-19 ang isang dalawang taong gulang na bata matapos magpunta sa mall, subalit nanindigan ang Department of Health na isolated cases lamang ito.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon