Dineploy ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu ang dalawang 44-meter PCG vessels upang isakatuparan ang seven-day maritime patrol sa West Philippine Sea o W-P-S.
Ayon kay Commander Jay Tarriela, PCG Spokesman sa WPS, mula Abril 18 hanggang Abril a-24 naka-deploy ang
BRP Malapascua (MRRV-4402) at BRP Malabrigo (MRRV-4403) sa Sabina Shoal, Iroquis Reef, Lawak, Patag, Likas, Parola, Pag-asa, Tizzard Bank, Julian Felipe Reef, at Ayungin Shoal.
Sa kabuuan aniya ng mission, natukoy ng PCG mahigit na 100 Chinese Maritime Militia vessels, People’s Liberation Army Navy corvette class at dalawang barko ng China Coast Guard.
Mayroon din aniya 18 Chinese maritime militia vessels malapit sa Sabina Shoal.
Sa kabila aniya ng sunud-sunod na babala at radio ng dalawang PCG vessels, hindi nakinig ang Chinese Maritime Militia at hindi umalis sa naturang lugar.
Nagkaroon din aniya ng komprontasyon sa pagitan ng CCG at PCG,
Mayroon din aniyang apat na karagdagang CMM vessels,na tila nangingisda sa lugar ngunit napaalis ng PCG sa Pag-asa, apat na nautical miles.
May nakita rin anjya na 17 grupo ng CMM sa bisinidad ng Julian Felipe Reef, na may kabuuang 100 vessels.
Ito ang ilan lamang sa nadiskubre sa pitong araw na maritime patrol na ipinag-utos ni Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu.
Sinabi ni Tarriela na naisumite na sa National Task Force West Philippine Sea (NTFWPS), ang nabanggit na report sa presensiya ng Chinese warship at CMM sa Philippines’ Exclusive Economic Zone (EEZ), gayundin ang agresibong pagkilos ng CCG laban sa PCG vessels.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA