January 23, 2025

Mga banat sa ‘white sand’ sa Manila Bay at pamumulitika; Wash-in o wash-out?

Kumusta mga Cabalen? Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Sinagot ni DENR Under Secretary Benny Antiporda ang patutsada ng kritiko. Ito ay sa inilagay na white sand sa Manila Bay. Sa panayam sa kanya ni PCOO Martin Andanar, binanatan ni Usec ang mga kritiko.

Kesyo, nawa-wash-out daw ang inilagay na dolomite sand sa Manila Bay dahil sa mga pag-ulan. Ano ba ‘yan, kape na 3 in 1— kaya nawa-wash-out?

Sabi naman ni Usec, wash-in. Nakatikim ng banat ni Antiporda ang UP scientist. Aniya, saan daw napunta ang P500 million na pondo? Humingi ng pondo. Pero, walang nakitang proyekto.

Pagbubulgar ni Antiporda, binayaran nila ng consultation fee ang UP scientist ng half -a million. Pero, walang lahat. Ano ang ginawa ng UP Marine Science Institute?

Bakit aniya naniningil pa ng extra fee ang UP expert sa pamahalaan gayung lingkod-bayan sila. So, bakit naniningil pa sa gobyerno sa kanilang serbisyo?

Kaya, may ‘K’ na banatan ang mga ito ni Usec.Wala nga naman silang karapatan na banatan at punahin ang proyekto ng ahensiya.

Taumbayan ang nagpa-aral sa kanila. Pero, sinisipsip na parang linta ang dugo nito dahil sa kinuhang pondo. Sus! Yan ba ang mga eksperto?

Dapat daw mangrove trees ang inilagay dahil mura. Waka nga. gaya nga ng sinabi natin noon, tila gusto ng mga critics na basura ang nakalagay sa Manila Bay?

Ayaw nila na mapaganda ito. Banat, puna at paninira ang ginagawa nila. Mukhang naghahanda na sa halalan. Kaya sinisiraan na ang mga kalaban. Hindi po ba? Tungkol sa politika, ano ang ginagawa nila sa taumbayan?

Wash-in o wash-out?