
Mabibiyayaan ang mga residente ng Cebu City na bakunado ngayong holiday season. Bukod kasi na protektado na ang masa at ang bayan, may posibilidad pang manalo sila ng papremyo.
Magpapa-raffle kasi ang LGU’s ng nasabing siyudad. Kung saan, kabilang sa mapapanalunan ay ang bahay at kotse. Paraan din ito upang mahikayat ang iba na hindi pa vaccinated na magpabakuna. Ito ay may banner na “ PabakunaTa Bonanza’ raffle program.
Kabilang sa mapapanalunan ay ang motorsiklo (2 ang mananalo), laptop (1). Gayundin ng P25,000 (5) gift checks. Washing machines (5), 40 32-inch TV sets, 50 sakong bigas, 100 electric fans at 50 plantsa.
More Stories
LIBU-LIBONG LAS PIÑEROS, NAGTIPON SA MITING DE AVANCE NG TEAM TROPANG VILLAR!
PASIG SCHOLARSHIP O VOTE-BUYING? Vico Sotto, inireklamo sa Comelec
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’