PINAG-AARALAN na ng Department of Health (DOH) at government’s coronavirus task force ang rekomendasyon ng eksperto na payagan na lumabas kahit walang face mask ang mga indibidwal na nabakunahan na.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang news briefing noong Biyernes, Mayo 28, na pinag-aaralan na ito upang malaman kung maaari itong gawin sa partikular na lugar o ‘specific bubbles’.
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said in a news briefing on Friday, May 28, that health authorities and experts will see if this can be done in “specific bubbles” in the country.
Ito ay tugon sa pahayag ni Fr. Nicanor Austriaco ng OCTA Research Group na dapat nang maging handa ang gobyerno na paluwagin ang mga health protocol habang mas maraming Pilipino ang nababakunahan na.
Ayon kay Fr. Austriaco, sa United States ay hindi pa nakakamit ang herd immunity pero inalis na ang pagsusuot ng mask.
Hinikayat din niya ang gobyerno na maghanap ng posibleng mga paraan para makapagsimula na mag-relax sa minimum health standards para sa mga bakunado na at nakakumpleto ng second dose laban sa COVID-19.
Sinabi naman ni Vergeire na ang vaccination rate sa bansa ay malayong malayo sa US.
Paliwanag pa ni Vergeire, hindi pa rin maikokonsidera ang pag-alis sa pagsusuot ng mask sa bansa kahit pa fully vaccinated na dahil ang rate ng pagbabakuna sa ating bansa ay hindi pareho sa United States.
Binanggit din ni Vergeire na may mga ilang lugar o rehiyon sa bansa na nakikitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 kaya dapat ay mahigpit pa ring sumunod sa mga health standards o protocols.
Matatandaang mas lalong pinaigting ng gobyerno ang kampanya nito sa pagpapatupad ng health protocols sa bansa.
Katunayan, ipinaaaresto ni Pangulong Duterte ang mga hindi susunod sa utos na pagsusuot ng facemask at faceshield.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna