TINANGGAP ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga bagong beneficiaries ng NavotaAs Arts at Athletic Scholarship Program para sa school year 2022-2023.
Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco ang isang memorandum of agreement na nagbibigay ng scholarship sa sampung kabataang Navoteño na nagpakita ng huwarang talento sa sining at palakasan.
Ang siyam na estudyanteng artist ay nabigyan ng scholarship kasunod ng mahigpit na proseso ng pagpili na isinagawa ng mga special screening committee sa limang artistic disciplines, namely visual arts, music, dance, theater arts, at creative writing.
Samantalang, ang nag-iisang athletic scholar ay isang student-athlete na nagwagi sa National Invitational Sports Competition na pinatunayan ng Schools Division Office-Navotas.
“We are confident in the ability of the Navoteño youth to excel in any field. We recognize each of their individual competencies and support not only those who excel in academics, but also in other pursuits,” ani Tiangco.
“The NavotaAs Scholarship Program is our way of helping open doors for them and increase their opportunities to succeed in life. Through this, we hope they would be able to further hone their talents and help them achieve their dreams,” dagdag niya.
Nagbibigay ang pamahalaang lungsod ng P16,500 para sa mga art scholars kada academic year para sa transportasyon, pagkain, at P20,000 para sa workshop at pagsasanay.
Sa kabilang banda, ang mga athletic scholar ay tumatanggap ng P16,500 kada academic year para sa kanilang transportasyon, pagkain, at P1,500 para sa uniporme at kagamitan.
Mula nang itatag ito noong 2011, nagawang suportahan ng NavotaAs Scholarship Program ang edukasyon ng mahigit 1,000 estudyante at guro.
Nag-aalok din ang pamahalaang lungsod ng mga iskolarsip sa mga mag-aaral na nagpakita ng natatanging pagganap sa akademiko at sa mga bata o kamag-anak ng Top Ten Most Outstanding Fisherfolk.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR