December 20, 2024

MGA BAGONG HALAL NA BARANGAY OPISYAL SA NAVOTAS, NANUMPA

NANUMPA ang mga bagong halal na pinuno ng 18 barangays sa Navotas City sa harap ni Mayor John Rey Tiangco, noong Lunes, November 20, 2023.

Sa kanyang talumpati, binati ni Mayor Tiangco ang mga opisyal habang hinahamon silang mag-iwan ng legacy sa loob ng kanilang dalawang taong termino.

“Serving others is a privilege. As government officials, we have a great responsibility to help ensure a good life for our fellow Navoteños. Use barangay funds honestly and efficiently, treat your constituents as part of your family, and always seek to expand your knowledge to improve the quality of your service and leadership,” ani Mayor John Rey.

“We may not be able to solve all the problems or issues we encounter, but we should always strive to create a lasting positive impact to our community,” dagdag niya.

Hinikayat din ni Mayor Tiangco ang mga opisyal ng barangay na tulungan ang kanilang mga nasasakupan na magkaroon ng kamalayan at paggamit ng kanilang mga sarili sa mga programa ng pamahalaang lungsod.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Cong. Toby Tiangco ang mga opisyal na, bilang mga lingkod-bayan, dapat nilang tuparin ang kanilang mga pangako at manguna sa pamamagitan ng halimbawa.

“We must uphold the oath we took as public servants. Let us set a good example to our constituents by being the first to follow rules and ordinances,” pahayag ni Cong. Tiangco. (JUVY LUCERO)