Prinoklama na ang ‘Magic 12’ na nakaragdagang puwersa sa senado. Sila ang bagong halal na mga mambabatas sa nakaraang 2022 national elections. Kabilang sa nahalal ang 4 na reelectionist. Tatlo naman ang first timers at 5 ang dating senador.
Ang mga bagong solons batay sa taas ng nakuhang boto ay sina former action star Robin Padilla, Antique Rep. and former Sen. Loren Legarda, broadcaster Raffy Tulfo, reelected Sen. Sherwin Gatchalian, Sorsogon Gov. at former Sen. Francis Escudero. Gayundin sina former Public Works Secretary Mark Villar, Taguig Rep. and former Sen. Alan Peter Cayetano, reelected Sen. Juan Miguel Zubiri, reelected Sen. Joel Villanueva, former Sen. JV Ejercito, reelected Sen. Risa Hontiveros at former Sen. Jinggoy Estrada.
Sapagkakadagdag ng bagong 12 senators,magiging solido na ang admin. Kung saan, 12 sa kanila ang pro-Duterte senators. Sa bagong hamon na ito sa senado, inaasahang magiging maganda ang bunga nito.
Lalo pa’t kaunti na lang ang kontra o oposisyon dito. Inaasahan ding gagawa ng makabuluhang batas ang bagong salta sa senado. Kabilang na sina Padilla, Tulfo at Mark Villar. Nawa’y sa bagong yugto na ito ng kasaysayan ay makamtan ng taumbayan ay bayan ang positibong pagbabago.
More Stories
Araw ni Rizal, Ginunita
Huling Tula ng Pambansang Bayani
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS