Inihayag ng kilalang oncologist na mas prone sa breast cancer ang mga old maid o mga babaeng hindi nagbuntis.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Dr. Jorge Ignacio, chairman ng PGH Cancer Institute at Cancer Prevention Advocate, na sa panahon ng menstruation ang estrogen ay tataas, mamaga ang breast at lalabas na ang means at sa puntong ito ay ma-i-stimulate ang progesterone na nagsisilbing proteksiyon.
Sinabi rin ni Dr Ignacio na kapag hindi nagbuntis ang babae hindi lumalabas ang estrogen stimulation at sa panahon ng pagbubuntis duon na mataas ang projesterone, kaya maituturing na protection sa breast cancer.
Binanggit din ni Dr Ignacio na bentahe sa babae ang maagang pagmemenopause laban sa breast cancer.
May posibilidad naman anjya sa breast cancer ang maagang nag-menstruation ngunit may edad na nang mag-menopause.
Ginawa ni Dr. Ignacio ang pahayag bilang bahagi ng sinasagawa breast cancer awareness program katuwang ang Kasuso Philippine Foundation for Breast Care Inc.Trustee/volunteer Aileen Antolin at Tingog partylist Representative Jude Acidre.
More Stories
Estudyante, sugatan sa pamamaril sa Valenzuela
Grand parade, pinangunahan ng Tiangco brothers
Pelikulang Restored na ‘Bulaklak sa City Hall’, Nasa YouTube na!