November 24, 2024

Mga babaeng lider, mas mahusay sa pagtugon sa COVID-19 – study

LUMALABAS sa ilang pananaliksik na ang mga bansang pinamumuan ng kababaihan ay  “mas sistematiko at mahusay” pagdating sa paghawak sa sitwasyon sa COVID-19 kung ikukumpara sa mga namumunong kalalakihan.

Kabilang nga sa mga lider na nagtagumpay sa paglaban sa nasabing pandemya ay sina Angela  Merkel ng Germany, Jacinda Ardern ng New Zealand, Mette Frederiken ng Denmar, Tsai Ing-wen ng Taiwan at Sanna Marin ng Finland na laging laman ng mga headlines subalit hindi napapansin ng mga akademiko.

Ang pagsusuri mula sa 194 bansa na inilabas ng Centre for Economic Policy Research and the World Economic Forum, ay nagpapahiwatig na malaki ang kaibahan at maaring maipaliwanag ng “proactive at coordinated policy response” na sumasang-ayon sa namumunong kababaihan.

“Our results clearly indicate that women leaders reacted more quickly and decisively in the face of potential fatalities,” ayon kay Supriya Garikipati, isang developmental economist sa Liverpool University, co-author sa Reading University’s Uma Kambhampati.

“In almost all cases, they locked down earlier than male leaders in similar circumstances. While this may have longer-term economic implications, it has certainly helped these countries to save lives, as evidenced by the significantly lower number of deaths in these countries.”