January 23, 2025

MGA AHENSIYA NG PAMAHALAAN NAGSAGAWA NG ALALAYAN EXERCISE SA MGA INSIDENTE SA KARAGATAN

PINANGUNAHAN ng Philippine Coast Guard ang Alalayan Exercise 2023 patungkol sa pagtugon sa panahon ng mga insidente sa karagatan

Kasama ng PCG sa  Alalayan Exercise 2023 ang Philippine Navy, PNP Maritime Group at iba pang law enforcement agencies at ahensya ng gobyerno sa bahagi ng Manila Bay.

Dito ipinakita ng mga naturang ahensiya  ang kanilang kakayahan sa pagtugon sa iba’t ibang sitwasyon na maaaring mangyari sa karagatan.

Ginamit rin nila  ang communication platform na ibinigay ng European Union na malaking tulong para sa interoperability ng mga kalahok na government agencies.

Nagkaroon ng iba’t ibang senaryo kanina, katulad nang kunwari ay may barkong nakapasok sa teritoryo ng Pilipinas na may dalang iligal na droga, smuggled goods, mayroon ding insidente ng kunwaring humang trafficking.

Nagkaroon din ng kunwaring sunog na inapula gamit ang water cannon ng barko ng PCG.

Ang maritime exercise na ito ay  ginawa ilang araw matapos ang August 5 incident sa West Philippine Sea na binomba ng barko ng China ang mga barko ng Philippine Coast Guard at mga bangka na may dalang supplies para sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre.

Ngunit paliwanag ni  Vice Admiral Roy Echiverria, ang director ng National Coast Watch Center, hindi ito show of force.

Nilinaw din ni Echiverria na ginagamit lang nila ang water canon sa mga fire incident sa karagatan. Pero sa ilang pambihirang pagkakataon gaya ng kung halimbawa ay may nagkagulo at kinakailangang gumagamit ng water cannon handa aniya silang gamitin ito.