ARESTADO ang Mexican drug lord na si Ismael “El Mayo” Zambada at anak ng kanyang dating partner na si Joaquin “El Chapo” Guzman sa El Paso, Texas kahapon.
“The Justice Department has taken into custody two additional alleged leaders of the Sinaloa Cartel, one of the most violent and powerful drug trafficking organizations in the world,” ayon sa US Justice Department.
Nahaharap sina Zambada at Joaquin Guzman Lopez, anak ni El Chapo, sa patong-patong na kaso sa US dahil sa pamumuno sa Cartel’s criminal operations, kabilang ang kanilang deadly fentanyl manufacturing at trafficking networks.
Nakakulong na ngayon sina Zambada at Guzman Lopez.
Si Zambada ay isa sa most consequential traffickers sa kasaysayan ng Mexico at co-founder ng Sinaloa Cartel kasama si El Chapo, na na-extradite sa United States noong 2017 at nagsisilbi ng life sentence sa maximum security prison.
Pagkatapos ng extradition ni El Chapo, ang kanyang criminal empire ay minana ng apat sa kanyang mga anak na lalaki – kilala bilang Los Chapitos, o Little Chapos, na pumalit sa kanyang paksyon ng kartel at naging isa sa mga pinakamalaking exporter ng fentanyl sa Estados Unidos.
Nasira ang relasyon ni El Mayo at ng Los Chapitos simula ng ma-extradite si El Chapo at ang pagkaaresto sa dalawang drug trafficker ay maaring magkaroon ng karahasan sa Mexico.
Kinasuhan ng US federal prosecutors noong Pebrero si Zambada dahil sa pagma-manufacture at pagdi-distribute ng fentanyl, na isa sa naging sanhi ng kamatayan ng mga Amerikano na may edad 18 hanggang 45.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA