December 25, 2024

METRO MANILA,
MANANATILI
SA ALERT LEVEL 1


Mananatili pa rin sa alert level 1 ang National Capital Region (NCR) sa Marso 16 hanggang Marso 31, ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar.

Sinabi ni Andanar na nagdesisyon din ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na isailalim sa alert level 1 ang 47 pang lugar sa bansa hanggang katapusan ng Marso.

Ang ibang lugar naman ay mananatili sa alert level 2.

Nauna rito, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Frisco San Juan Jr. na handa na ang mga alkalde sa NCR sa alert level zero.

“Ang desisyon po ng Metro Manila mayors ay nakahanda ang buong Metro Manila sa pagbaba from 1 to 0. Puwede na po kami,” wika ni San Juan nitong Martes, Marso 15.