Binaha ang Metro Manila kahapon matapos ang pagbayo ng Habagat, ayon sa mga awtoridad.
Inilikas naman ang mga residente na malapit sa Marikina River.
Ayon sa PAGASA, inaasahan na mas maraming pag-ulan ngayong Weekend dahil sa bagyong Fabian na sinamahan pa ng Habagat o Southwest Moonsoon.
Nitong Sabado ng umaga, itinaas sa Alert Level 2 ang Marikina River.
Sa footage na inire ng ABS-CBN, makikita ang ilang bahagi ng ilog na umapaw malapit sa isang park. Ilang sasakyan din ang naglutangan.
Ilang sa mga napaulat na binaha ay ang Malabon, Valenzuela, Quezon City Pasay at Maynila, ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA