December 24, 2024

METRO MANILA MAYORS TUMALIMA SA EO 39 NI PBBM (Presyo ng bigas bantay-sarado)

KABILANG sa Metro Manila Mayors na dumalo sa isinagawang neeting sina Navotas Mayor John Rey Tiangco, Malabon Mayor Jeannie Sandoval at Valenzuela Mayor Wes Gatchalian sa pangunguna ng DILG at MMDA tungkol sa ipinatupad na price ceiling sa bigas na iniatas ni President Bongbong Marcos simula ngayong Setyembre 5, 2023, na P41.00 kada kilo na ang presyo ng regular milled rice at P45.00 naman kada kilo ang well-milled rice. Layunin ng mandated price ceilings na maproteksyunan ang lahat ng mga mamimili sa bansa, sa gitna ng nakaaalarmang pagtaas ng retail prices ng mga bilihin sa merkado. (JUVY LUCERO)

SA unang araw ng implementasyon ng EO 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, hindi nag-atubili ang ilang alkalde sa Metro Manila na tumalima sa utos ng Presidente.

Sa  San Juan, nagsagawa ng inspeksiyon si Mayor Francis Zamora sa mga tindahan ng bigas sa ilang palengke, habang sa Quezon City ay maaga ring nag-inspeksiyon ng mga pamilihan si Mayor Joy Belmonte.

Sa Lungsod ng Maynila, sinabi ni Atty Princess Abante tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna na  hindi nag-inspeksiyon sa pamílihan àng Alkalde ang inatasan na lamang ang kanyang market administration at  Bureau of Permit na i-monitor ang presyo ng bigas.

Sa Lungsod ng Pasay, personal na ininspeksiyon ni Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano ang mga tindahan ng bigas sa mga palengke ng Pasay City Public Market at Cartimar

Sinusugan ni  Mayor Emi ang Executive Order 39 ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr na nag-aatas ng price ceiling sa presyo ng bigas mula sa regular milled rice na P41 kada kilo hanggang P45 kada kilo ng well milled rice sa pamilihan.

Naglabas din ng kahalintulad na kautusan kahapon September 4,2023 si Mayor Emi  na Executive Order 45 na ipinapatupad na ngayong araw September 5,2023.

Inikot ng Alkalde sa Pasay public market sa Libertad at sa Cartimar Public Market upang matiyak na nasusunod ang price ceiling sa presyo ng bigas na itinakda ng pangulo.

Nagbabala lamang ang alkalde ngayong araw sa mga rice retailers na hindi sumunod sa kautusan ng Pangulong BBM.

Subalit ayon kay Mayor Calixto bukas ay may mga nakatalaga ng mga taga Business Permit License Office at taga tanggapan ng City Administrator upang imonitor ang pagpapatupad ng price ceiling.

Sakaling lumabag posibleng mabawi ng lokal na pamahalaan ang kanilang mga business permit sa kanilang mga establisamento.

Kasabay njto ay may pinawi ng Alkalde ang pangamba ng mga rice retailers sa Lungsod na nagbaba ng presyo ng kanilang bigas na 41 at 45.

Tiniyak ng Alkalde na mapagkakalooban ng ayuda mula sa pamahalaan ang mga apektadong rice retailers.

Inilagay din ni Mayor Emi ang kopya ng EO 45 bilang paalala sa mga rice retailers na pagsunod sa utos ng lokal na pamahalaan alinsunod sa kautusan ng Pangulong Marcos Jr.