December 24, 2024

Metro Manila Mayors handa na sa pagdating ng bakuna – MMDA

Tiniyak ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na handa na ang 17 alkalde ng Kalakhang Maynila sakaling dumating na ang bakuna sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni MMDA General Manager Jojo Garcia sa naging resulta ng isinagawang pagpupulong ng Metro Manila Mayor’s sa tanggapan ng MMDA.

Ayon kay Garcia bukod sa Metro manila Mayors dumalo din sa pagpupulong si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez at National Task Force for Covid Response Deputy Chief Implementer Vince Dizon.

Nabanggit din ni Garcia sa naturang pagpupulong sisimulan na ang pag-iikot ng National Task Force sa mga lokal na pamahalaan.

Aniya unang pupuntahan nila Galvez, Dizon at DOH Secretary Francisco Duque ang lungsod ng Taguig at isunod naman ang Maynila.

Sinabi ni Garcia unang naging tanong ng mga alkalde sa mga opisyal kung kailan darating ang bakuna, gaano kadami at kung anong brand ang darating?

Anya sinabi ni Sec. Galvez na tatlong brand ang bakuna ang tinututukan ng gobyerno at darating ito sa huling bahagi ng buwan ng Pebrero subalit hindi nabanggit ng kalihim kung gaano karaming vaccine ang darating sa bansa.

Pabor naman ang Metro Manila Mayor’s sa naging desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ng payagan ang 10 years old pataas na lumabas upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Aniya susunduin din ng mga alkalde ang anumang magiging desisyon ng IATF Kung mananatili ang NCR sa General Committee Quarantine o Modified Community Quarantine.

Dagdag pa ni Garcia dapat parin panatilihin ang minimum health protocols upang maiwasan ang surge ng kinatatakutang sakit lalo na ngayong may nakapasok nang new variant ng COVID-19. (Balita ni RUDY MABANAG)