Nakipagtagpo na ang Department of Finance kay French Ambassador to the Philippines Michèle Boccoz upang talakayin ang ‘possible funding’ para sa ilang mga proyekto kasama ang unang urban car system sa Pilipinas.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, handa ang France na magbigay ng pinansiyal na tulong sa pamamagitan ng isang ‘highly concessional loan’ para sa iminungkahing unang urban cable system sa Asya.
”France is willing to provide financing support through a “highly concessional loan” for the proposed urban cable system which will be the first in Asia,” pahayag ni Dominguez.
Ang nasabing 100 milyong dolyar o higit sa P4.7 trilyong proyekto ay nakabinbin pa rin para sa pag-apruba ng Investment Coordination Committee ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasama sa proyekto ang pagtatayo ng isang cable-propelled mass transport system na may haba na 4.5 na kilometro mula sa Santolan-Eastwood-Pasig.
Nabatid na noong 2018, nagsagawa ang France ng isang feasibility study para sa kauna-unahang proyekto ng urban car cable system sa Pilipinas.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE