PUMAYAG ang ilang alkalde sa Metro Manila na buksan ang kanilang COVID-19 vaccination program sa mga residente nakatira sa mga katabing lungsod o probinsiya.
Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, kabilang dito ang Mandaluyong, San Juan at Pateros dahil malapit na nilang makumpleto ang pagbabakuna sa kanilang eligible residents.
“Now we are going to vaccinate as one. Napagkasunduan namin na yung mga nakatapos na, magkaroon ng QR Code na yung mga labas namin na hindi na residente ng LGU pwede mabakunahan,” saad niya sa isang press briefing sa Malacañang.
Pero nilinaw ni Abalos na bawal ang “walk-in” at kailangan pa ring magpa-schedule online ng mga nais nagpabakuna pero hindi nakatira sa mga naturang lugar.
“In-open na po namin sa mga hindi taga-lugar namin. In-open namin, hindi lang taga-NCR (National Capital Regions), pati sa neighbors, hanggang Rizal, Bulacan, Laguna, Cavite. Pero para wala tayong gulo, you should schedule,” ani Abalos.
“May QR code kami. I-download ‘yong app, fill-out-an. Bibigyan ng schedule. Bring government ID, passport, driver’s license,” dagdag niya.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE