Inanunisyo ng Meralco na papalawigin din nila ang kanilang “no disconnection” policy matapos i-extend ng pamahalaan ang modified enhanced community quarantine o MECQ sa Greater Manila Area.
Suspendedio ang lahat ng disconnection activity hanggang Mayo 14, 2021 – ang huling araw ng MECQ sa Metro Manila, Laguna, Cavite at Rizal, ayon sa power distributor.
“We hope this additional extension will help ease the burden of our customers, while providing the necessary relief and additional time for them to settle their bills,” wika ni Meralco FVP at chief commercial officer Ferdinand Geluz.
Ayon sa Meralco, mananatiling bukas naman ang kanilang business centers upang tumanggap ng bayad, aplikasyon at customer assistance. Bukas sila mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes at alas-7:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali kapag Sabado.
Hinikayat din ng Meralco ang kanilang customers na mag-message sa Facebook o Twitter kaugnay sa electricity concerns o tumawag sa 16211 hotline.
More Stories
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO
LGUs, TV stations, Simbahang Katoliko pinagkakatiwalaang sektor sa ‘Pinas
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO