Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Tropical Storm Aghon, sinabi ng Manila Electric Co. (Meralco) na nakaalerto ito at handang tumugon sa anumang power outages at mga concern sa serbisyo ng kuryentei.
Sa inilabas na kalatas, sinabi ni Joe. R. Zaldarriaga, Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications, na naka-standby ang kanilang mga tuahan upang tumugon sa anumang emergency situations na maaaring makaapekto sa kanilang mga pasilidad sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng bagyo.
Ayon pa rito, gumagawa na ang Meralco ng mga kinakailangan na hakbang upang maibsan ang posibleng epekto ng masamang panahon at naglabas ng abiso sa precautionary measures na dapat sundin.
Isa sa pangunahing safety measures na payo ng Meralco na pansamantalang itupi muna ang mga billboard ng mga may-ari at operator upang hindi tangayin ng malakas na hangin, na maaring mauwi sa power outages.
Kapag bumaha naman, hinimok ni Zaldarriaga ang mga kababayan natin nag sundin ang safety tips tulad ng pagpatay sa main ng electrical power switch, iwasan humawak sa mga electrical appliances kapag basa ang kamay at tanggalin sa saksakan ang mga appliances.
Bukod pa rito, hinimok din ng Meralco ang publiko na palaging buksan ang communication channels at i-charge ang mga device tulad ng mobile phones, laptop at radyo.
Kapag nawalan ng kuryente, maaring makanig ang mga customer sa public service radio station para sa mga update.
Para i-report ang power outages at iba pang concerns, maaring mag-message o tumawag ang mga customer sa Merlaco sa pamamagitan ng social media pages, official website, hotline, o via text message.
Ang Meralco ang pinakamalaking electric power distribution company sa bansa.
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust