December 24, 2024

MERALCO BINUKSAN NA ANG BIDDING PARA SA 400-MW POWER SUPPLY

INILUNSAD ng Manila Electric Company (Meralco) ang isang Competitive Selection Process (CSP) upang i-secure ang 400 megawatts (MW) ng supply sa kuryente upang matugunan ang pagtaas ng energy demands simula sa susunod na taon.

Ang naturang inisyatiba ay kasunod ng pag-apruba ng Department of Energy sa pinaka-latest na Power Supply Procurement Plan ng Meralco, ayon sa naturang kompanya.

Ang 15-year power supply agreement para sa mid-merit requirements ay nakatakdang simulan sa Agosto 26, 2025.

Hinikayat ng DOE ang natural-gas fired power plants na lumahok sa CSP ng Meralco, na prayoridad ang paggamit ng indigenous natural gas.

Maaring isumite ng mga interesadong power generation companies ang kanilang expression of interest sa Hulyo 1, 2024. Gaganapin ang pre-bid conference sa Hulyo 11, kung saan natakda ang bid submission deadline sa Agosto 9, 2024.

Magsasagawa rin ang Meralco ng dalawa pang CSP para sa karagdagang 500 MW ng renewable energy capacity at 600 MW ng base load supply. “This CSP is part of Meralco’s commitment to ensuring reliable, sufficient, and cost-competitive power for customers,” saad  ni Meralco bidding chair Lawrence Fernandez.