
NAKIISA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pag-obserba ng Eid’ Adha o feast of sacrifice ng mga kapatid nating Muslim ngayong araw.
Sa kanyang mensahe, hinimok ng Pangulo ang sambayanan na mamuhay ng may karunungan at lakas ng loob sa gitna ng mga kinakaharap na pagsubok.
Sinamantala ng Presidente ang okasyon upang paalalahanan ang mga Pilipino na mayroong katapat na gantimpala ang pagbabalik-loob at pagpapalaya kahit sa mga taong mahalaga sa kanila.
Sa okasyong ito aniya ay dapat pagnilayan ang kuwento ng buhay ni Ibrahim na nagpakita ng matatag na pananampalataya at wagas na pagmamahal kay Allah na naging sentro at haligi ng turo ng Islam.
“We will find a greater sense of purpose in uplifting the lives of others and enriching the facets that make out dreams and endevours meaningful,” saad ng Pangulo.
Umaasa ang Pangulo na sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos at panalangin ay magkaroon ng malinaw na pag-iisip at kabutihang loob ang bawat isa upang malagpasan ang mga pagsubok na humahadlang sa pagkamit ng tunay na kapayapaan.
More Stories
BAGONG SANTO PAPA, HAHARAP SA ‘MAHIRAP AT MASALIMUOT’ NA PANAHON SA KASAYSAYAN
HVI tulak, huli sa buy bust sa Valenzuela, P476K shabu, nasamsam
WANTED SA KASONG RAPÉ, TIMBOG SA MONUMENTO