November 3, 2024

MENOR DE EDAD SA NCR BAWAL NANG GUMALA


Mahigpit na ipagbabawal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga menor de edad na lumabas ng bahay simula bukas araw ng Miyerkules.

Sa resolution na inilabas ng Metro Manila Council, at MMDA na nagbabawal sa mga menor de edad, partikular ang edad na 15-17, na lumabas sa loob ng dalawang linggo.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos ang may edad 18-65 taong gulang lamang ang pinapayagang lumabas sa kanilang tirahan sa gitna ng nakakabahalang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Hinihimok ng MMDA ang bawat isa na doblehin ang pag-iingat at sumunod sa mga health protocols partikular sa mga vulnerable person na miyembro ng pamilya.

Sinabi ni Abalos na ang Metro Manila Mayor’s at MMDA ay regular na sinusubaybayan ang bilang ng kaso sa COVID-19 at ipapatupad ang pagka-calibrate at mga pagbabago sa mga direktiba depende sa mga kaso ng COVID-19.

Dagdag pa ni Abalos noong nakaraang buwan, sumang-ayon ang mga alkalde sa buong NCR na paluwagin ang paghihigpit sa mga menor de edad sa hangarin ng gobyerno na makabawi ang ating ekonomiya.