September 16, 2024

MENOR DE EDAD NASAGIP MULA SA PAGIGING MIYEMBRO NG CRIMINAL GROUP

Nasagip ng Station Drug Enforcement Unit ng Police Substation 1 ng Pasig City ang isang menor de edad matapos umanong  mahulihan ng iligal na droga at baril sa isinagawang buy-bust operation kahapon.

Base sa Isinumiteng report ni PMajor Diogenes Gaoaen kay Police Colonel Moises Villaceran Jr.,  hepe ng Pasig City Police.  kinilala ang suspek na menor de edad sa alyas na Chan Chan.

Ayon kay Colonel Villaceran ang suspek ay miyembro ng kilabot na Pasig City Criminal Gang na sangkot sa mga serye ng holdapan sa ilang mga establisyemento,  tulad ng gasoline station, at ilang mini grocery store.

Nakumpiska mula sa suspek ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu, isang calibre.38, dalawang live ammunitions at 200 pisong buy-bust money.

Pinaghahanap na Pasig City police ang iba pang miyembro ng Criminal Gang.

Habang nasa pangangalaga ngayon ng City Social Welfare and Development ang menor de edad. (Ulat ni JOJIT ALCANTARA)