
Nilapa ng Memphis Grizzlies ang no.1 seed Utah Jazz sa Game 1 ng NBA playoffs, 112-109. Bumida sa panalo ng Memphis si Dillion Brooks na naglista ng 31 points.
Nagtala rin siya ng 7 rebounds at 2 assists. Umalalay naman si Jah Morant sa paglista ng 26 points, 4 boards at 4 assists.
Sa panig naman ng Jazz, nagtala si Bojan Bogdanovic ng 29 points. Meron din itong 5 rebounds at 2 steals.
Nag-ambag naman si Mike Conley ng 22 points, 6 boards at 11 assists.
Samantala, sa iba pang laro sa playoffs ngayong araw, dinagit ng Atlanta Hawks ang New York Knicks, 107-105.
Nanguna sa panalo ng Hawks si Trae Young na nagtala ng 32 points, 10 assists at 7 boards. Tumulong naman si Bogdan Bogdanovic na bumuslo ng 18 points, 4 boards at 2 steals.
Si Alec Burks naman ang kumamada para sa New York ng 27 points, 4 rebounds at 2 assists. Nag-ambag naman si Derrick Rose ng 15 points, 5 boards at 5 assists.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT