
Minasaker ng Memphis Grizzlies ang Golden State Warriors sa Game 5 ng West semifinals. Nilapa nito ang GSW sa blow-out win, 134-95. Bumira si Tyus Jones ng 21 points, 9 assistsat 3 boards. Lumagari rin ng 21 points si Desmond Bane at 2 assists.
Si Jalen Jackson Jr ay bumuslo rin ng 21 points, 8 boards at 3 assists. Sa panig naman ng Warriors, bumira si Klay Thompson ng 19 points, 3 boards at 1 assists. Habang si Steph Curry ay bumistay ng 14 points, 4 assists at 3 boards.
Sa unang kwarter pa lang, humataw na agad ang Memphis. Pero, nakadikit ang Warriors. Dahil sa magandang opensa lalo na sa tres, muling nakalayo ng Grizzlies. Nakalamang pa ito ng 27 points sa 1st half at namaga pa ng 40 points.
Itinarak ng Memphis ang 3-2 sa serye at buhay pa sa kontensyon.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT