SA botong 22-0, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ngayong Lunes ang Medical Scholarship Act o ang panukalang batas para sa mga Pilipino na nais mag-aral ng medikal o doktor ngunit walang pambayad.
Layon ng Senate Bill 1520, na sagutin ng gobyerno ang tuition fee ng mga medical student at iba pang bayarin sa paaralan gaya ng pambili ng libro, uniform, allowances at iba pa.
“This measure comes at the most opportune time as our country continues to battle against the devastating health impacts of COVID-19. This law will help the healthcare system sector to be better prepared for similar health emergencies in the future,” saad ni Senate President Vicente Sotto III.
“We believe that our underprivileged but deserving students, who wish to provide for a better life for their families and to serve the country and its people as physicians, should be given the opportunity to do so. Because it is through their dedicated service that our healthcare system becomes more resilient, and gains a better chance of withstanding any pandemic,” dagdag naman ni Senator Sonny Angara, na siyang may akda ng panukalang batas.
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK