
Para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., malaki ang ginagampanang papel ng media laban sa maling impormasyon.
Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng World Press Freedom, tinawag ng Pangulo ang press bilang malakas na panangga laban sa misinformation at fake news.
“In Bagong Pilipinas, we celebrate our journalists for their courage in conveying unbiased reports, and we rely on them to continue being the stalwarts of truth and transparency,” aniya. “Now, more than ever, their commitment to their work is crucial,” dagdag pa nito.
Noong Agosto 2023, inilunsad ni Marcos ang media and information literacy campaigns para labanan ang fake news.
Layon ng proyekto na magbigay ng kaalaman at mga kasangkapan sa mga pinakamahinang komunidad upang makilala ang katotohanan.
More Stories
IMEE MARCOS: PRESYO NG BILIHIN, TULONG SA SOLO PARENTS, SENIOR AT PWD, PRAYORIDAD SA SUSUNOD NA TERMINO
IMEE SA LUMABAS NA LARAWAN: ‘WALANG PERSONAL NA KONEK!’
2 PATAY SA SALPOKAN NG KOTSE AT BUS SA CALAUAG, QUEZON