Sinipa ni Evan McPherson ang winning fieldgoal sa overtime. Dahilan upang sikwatin ng Cincinnati Bengals ang came from behind upset. Tinalo nila ang Kansas City Chiefs, 27-24. Kaya naman, umusad sa kanilang first Super Bowl finals ang Bengals sapol noong 1989.
Nagawang maikamada ng rookie na si McPherson ang 52-yard goal, may 6 minutes na lang ang nalalabi sa laro.
Sa simula, nagwagi lamang ang Bengals ng 2 beses sa nakalipas na 2 seasons. Haharapin nila ang mananalo sa pagitan San Francisco 49ers at Los Angeles Rams. At dito na maikakasa ang duel sa NFL Finals sa February 13
“We’re not done yet,” ani Bengals coach Zac Taylor.
“We’ve got a special team. Everyone stepped up, man. We knew it would come down to one team making the plays to win, and our guys did that.”
Target din ng Cincinnati na makopo ang Super Bowl sapol ang sumali ang club noong 1968. Natalo sila noon sa 49ers noong 1982 at 1989.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!