May posibilidad na maglaban si MMA at UFC fighter Conor McGregor at Sen. Manny Pacquiao.
Lumilinaw kasi na talagang matutuloy na ang laban. Ito’y matapos sabihin ng ‘Fighting Senator’ na haharapin niya ang Irish fighter sa susunod na taon.
“For the sake of all the Filipino Covid-19 victims, Senator Manny Pacquiao will be fighting UFC superstar Conor McGregor next year,” sabi ng special assistant ni Pacman na si Jayke Joson.
“The huge portion of his earnings will proceed to those who are affected nationwide by the pandemic,” aniya.
Kinumporma naman ni McGregor na idaraos ang showdown sa Middle East. Katunayan, pimost niya ang tungkol dito sa kanyang Twitter account.
“Anyway all water under the bridge who gives a fook. I’m boxing Manny Pacquiao next in the Middle East, saad ni McGregor.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA