May planong muling sa umupak si American boxer Floyd Mayweather Jr.
Nais nito na sa Japan gawin ang laban gaya ng nangyari noong 2018.
Kinalaban nito noon sa isang exhibition match ang kickboxer na si Tenshin Nasukawa.
Kaugnay dito, sasagupa si ‘The Money’ kay former super featherweight world champion Takashi Uchiyama.
Si Uchiyama ay markado sa one-punch knockout power nito.
Ayon sa eFight, inaayos ng MMA promotion na RIZIN ang laban ng 43-anyos na si Mayweather.
Kinumpirma naman ng promoter na si Nobuyuki Sakakibara ang pinaplantsang laban.
“Mayweather vs Takashi Uchiyama is the most exciting,” ani Sakakibara sa Japanese press
“There are various problems such as immigration, opponents, money, etc”.
“But communication with the person is progressing positively. I expect the possibility,” aniya.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!