Nanguna si undefeated boxer Floyd mayweather Jr sa Top 10 best boxers of all-time. Ito ay batay sa BoxRec at sa pagpulso ng SunSport.
Si Floyd na may 50-0 ang umukupa sa Top 1 spot. Nasa Top 2 naman si Manny Pacquiao (62-7-2 win-loss-draw record).
Nakatipon si Floyd ng 2255 points sa kanyang 50-0 record. Nakalikom naman si Pacman ng 1633 points. Inukupa naman ni Carlos Monzon ng Argentina ang Top 3 spot na mayroong 1588 points (87-3-9).
Nasa Top 4 naman si Mohammad Ali na mayroong 1485 points (56-5-0). Top 5 naman si Sugar Ray Robinson na may 1472 points (174-19-6).
Nasa Top 6 naman si Bernard Hopkins, 1470 points (55-8-2) at Top 7 naman si Joe Louis, 1465 points ( 66-3-0).
Rumekta naman sa Top 8 si Archie Moore, 1289 points (186-23-1). Bumagsak naman sa Top 9 si Oscar De La Hoya, 1265 points (39-6-0) at inukupa ni Julio Cesar Chavez ang Top 10, 1202 points (107-6-2).
Nalaglag naman sa list ng SunSport sina Evander Holyfield, Mike Tyson, Roberto Duran at Rocky Marciano.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!