Muling nag-focus si Floyd Mayweather Jr sa boxing sapol nang pumanaw ang kanyang tiyuhin at ang dating partner.
Nagdusa sa double tragedy ang undefeated boxer nang mamatay si Josie Harris noong Marso. Pumanaw si Harris sa edad na 40 na nanay ng kanyang 3 anak.
Makalipas lamang ng isang linggo, namatay naman ang kanyang former trainer at uncle na si Roger Mayweather.Pumanaw ito sa edad na 58.
Bunsod nito, nagtraining muli si Floyd at inanusiyo na balak niyang bumalik sa boxing. Ayon kay Denis Douglin, sparring partner ni Floyd, 43, inspirado muling magtraining ang huli.
“The last time we sparred was probably three years ago for his exhibition match in Asia,” ani Douglin sa Vegas Insider.
“I kind of felt like he was slowing down a little bit.This time he felt sharp. He felt strong and his stamina was great.”
“It was almost like he’s getting better.
“Everything that he’s going through in his life is making him more focused on boxing,” aniya.
Inihayag ni Mayweather noong Nobyembre 2019 na nakikipag-usap siya kay UFC boss Dana White. Ito’y may kaugnayan sa posible niyang pagbabalik sa lona.
Hindi nakasampa sa ring si Floyd sapol pa noong 2017 pagkatapos talunin si ex-UFC champ Conor McGregor.
Ayon naman kay White, nasa plano talaga ni Mayweather na bumalik uli sa pagboboksing.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2