Inamin ni dating pangulong Rodrigo Duterte na inutusan niya ang mga dating hepe ng Philippine National Police na hikayatin ang mga suspected criminals na lumaban at kapag kumasa ay doon patayin.
Ito ang isiniwalat ni Duterte sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon subcommittee hinggil sa madugong war on drugs noong nakaraang administrasyon.
Hindi naman pinalampas ni Senadora Risa Hontiveros ang naging rebelasyon ng dating pangulo.
Inamin din ni Duterte na meron siyang death squad sa Davao ngunit hindi mga pulis kundi mga gangster.
Mayayaman aniya ang mga ito na handang pumatay ng mga krimimal at nasa pitong miyembro ng kaniyang death squad.
Ayon sa dating pangulo, kaniyang ikukumpisal na “niyayari” nya ang mga kriminal. At libo aniya ang bilang ng kaniyang mga ipinatumbang kriminal noong alkalde siya sa Davao.
Paglilinaw ni Duterte hindi niya binabayaran ang miembro ng kaniyang death squad dahil mayayaman ang mga ito.
Sinabi ni Hontiveros na “bombshell” ang sinabi ni Duterte na mayroong death squad police man o hindi ang sangkot.
Ito aniya ang sinisiyasat nila kung ang ginawa sa Davao City ay naging template ng drug war sa buong bansa nung maging pangulo si Duterte
Sinabi naman ni dating Senadora Leila de Lima, ang paghikayat upang pumatay ay hindi kabilang sa mandato mayor man o pangulo ng bansa.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA