November 21, 2024

Mayors Rex at Vico “hawak-kamay” kontra COVID-19

Ipinatupad na kahapon, , Disyembre 7, ang ValTrace App ng Valenzuela City at PasigPass QR codes na maaaring gamitin sa pagpasok sa mga establisyemento sa dalawang lungsod sa paglalayong pag-isahin ang digital contact tracing solutions ng dalawang lokal na pamahalaan.

Ayon sa pahayag ng Valenzuela City, sa panahon kung saan ang pagdaan sa isa na namang krisis sa kalusugan ay isang pambansang alalahanin, ang mga pamahalaang ng Pasig at Valenzuela “work hand in hand’ sa pagpapadali ng mga solusyon para pigilan ang pagkalat ng COVID-19, pinagdurugtong ang mga Sistema at pinakamainam na mga gawain upang matiyak na hindi masasayang ang mga contact tracing efforts at mga solusyon ng mga lokal na pamahalaan.

Ang mentalidad na “No QR Code, No Entry” ay nakagawian na ng mga Valenzuelanos sa pagpasok sa mga establisyemento sa lungsod.  Ang mga contact tracing forms ay itinturing nang “thing of the past” dahil ang paggamit ng of QR codes ay mas madali, mabilis at ligtas.  Sinisimulan na ding ipatupad sa Pasig City ang ganitong inisyatibo, matapos na makitang ang benepisyo ng mga ginagawa sa Valenzuela para sa epektibong contact tracing. 

“Napatunayan natin dito sa Valenzuela na mayroon naman palang efficient, mabilis, safe at kumbiniyente na paraan ang contact tracing. Hindi na natin kailangang ma-hassle at hindi na rin natin kailangang matakot sa paggamit ng ating data sa maling paraan,” sinabi ni Mayor Rex Gatchalian sa paglulunsad ng interconnection agreement kamakailan.

Ang laban ng mga lokal na pamahalaan sa COVID-19, kung saan siyam na buwan na ang community quarantine, ay nagbunga ng mga “shared practices and solutions” sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan  at isang patunay nito ang pagpasok ng Pasig City at Valenzuela City sa Data Sharing Agreement at Memorandum of Agreement sa paggamit ng QR codes para sa wastong pag-monitor at contact tracing ng mga COVID-19 patients sa dalawang lungsod.

“May good news kami sa inyo na handog ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela at ng lokal na pamahalaan ng Pasig. Sa pamumuno ni Mayor Vico Sotto, nag-ugnayan ang dalawang lokal na pamahalaan kung saan ili-link natin ang ating dalawang sistema. So ibig sabihin, yung QR code mo ng ValTrace, magagamit mo na sa establisyimento sa Pasig,” ani Gatchalian.

Sa ilalim ng kasunsudan, pagsasanibin ang  ValTrace App at PasigPass upang matiyak na ang dalawang lungsod ay magkakaroon ng mas epektibo at episyenteng mga hakbang sa pagsugpo sa pandemya sa pamamagitan ng paggamit ng ValTrace QR code para pumasok sa mga establisyemento sa lungsod at vice versa.

Tinitiyak din sa kolaborasyon na maglalagay ang mga lokal na pamahalaan ng dalawang lungsod ng sapat na safeguards sakop ng data sharing agreement kaugnay ng Republic Act No. 10173 o Data Privacy Act of 2012.  Ang ‘confidentiality” ng datos ay mahigpit na ipatutupad.

Dahil dito,  maaaaring ipabatid ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng Valenzuela kung mayroong residente ng Valenzuela na nagkaroon ng kontak sa COVID-19 patient sa Pasig City.   Maaarin ding ipabatid ng Valenzuela City sa CESU  ng COVID-19 contact within sa– lahat gamit ang ValTrace at PasigPass QR codes.

Hanggang Disyembre 3 ay makikitan bumababa ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela simula nang ipatupad ang intensified contact tracing sa pamamagitan ng paggamit ng QR codes mula Oktubre October 5..

“Ginagawa natin lahat ng makakaya para paigtingin pa ang laban natin kontra COVID-19… Napakaganda ng ginagamit nilang [Valenzuela City] sistema na digital contact tracing solution… Nagpapasalamat po ako kay Mayor REX Gatchalian at sa buong lokal na pamahalaan ng Valenzuela dahil very generously, tinulungan po nila tayo at ipinakita nila kung ano yung sistema na gamit nila at ngayon po ay ganoon na rin po ang ginagamit natin, very similar yung PasigPass sa ValTrace,” sabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Hanggang Disyembre 1 ay 699,938 indibidwal at 1,754 establisyemento ang nagparehistro sa PasigPass habang ang ValTrace ay nakapagtala ng 684,058 residente, 320,511 non-residents, at 19,754 establishments hanggang Disyembre 2. Pinangunahan ng Valenzuela ang digital contact tracing solution noong Setyembre matapos simulan ang full operations ng 24/7 Mega Contact Tracing Center, Valenzuela Hope Molecular Laboratory nito , at Valenzuela Serology Laboratory noong Agosto.