November 5, 2024

Mayor Zamora, MMDA ininspeksyon ang bike lanes sa San Juan City

MAGKASAMANG nagbisikleta sina San Juan City Mayor Francis Zamora at Metro Manila Development Authority Chairman (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa nasabing siyudad upang inspeksunin ang mga kalsada bilang pagtalima sa road clearing operations ng DILG na naglalayong bawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila. (Kuha ni ART TORRES)


ININSPEKSYON ng Manila Development Authority (MMDA) ang bike lanes sa San Juan City nitong umaga upang makatulong na mapabuti ang mga pasilidad at serbisyo ng lungsod para mga nagbibisikleta matapos dumami ang mga gumamit ng bisikleta dulot ng pandemya.

Pinangunahan ang naturang pag-iinspeksyon nina MMDA Chairman Benhur Abalos at San Juan City Mayor Francisco Zamora.

“As someone who bikes around the city myself, I know the importance of protecting cyclists from fast-moving cars and trucks, that is why we put up these bike lanes. Biking is also a cleaner and healthier alternative in the crawling traffic of Metro Manila,” saad ni Zamora.

Sinimulan ang pag-iinspeksyon sa San Juan City Hall, pagkatapos ay sa city plaza sa kahabaan ng N. Domingo, Ortigas Ave, sa Greenhills Shopping Center loop at natapos sa Club Filipino.

Bukod sa bike lanes, ipinasa rin ng pamahalaang lungsod ang isang bicycle ordinance sa na nakatuon sa bike safety protocols.

Katuwang din ng San Juan ang PNB-Allianz upang maitayo ang unang solar-powered bike pit stop sa kahabaan ng Pinaglabanan Street.

Pinalitan din ang yellow street lights ng maliwanag na puting LED lights upang tulungan ang mga nagbibisikleta at mga residente na bumabagtas sa siyudad sa gabi.

Noong 2020, ginawaran ang San Juan City ng Gold Award ng Mobility Awards dahil sa pagsisikap ng pamahalaang lungsod na itaguyod ang biking at pagpapatayo ng mga imprastraktura upang protektahan ang mga nagbibisikleta.

Ayon kay Zamora, makakatulong ang ginawang pang-iinspeksyon sa siyudad na maayos ang bike lanes nito kaya’t mananatili ito bilang isa sa bike-friendly cities sa Metro Manila.