BILANG tulong sa mga pamilyang nawalan ng bahay sa nangyaring sunog sa Barangay Gen. T. De Leon noong Enero 14, pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian at ng opisina ni Senator WIN Gatchalian ng tulong pinansyal ang mga nasunugan sa Bitik Elementary School.
Ang bawat pamilyang pansamantalang naninirahan sa evacuation site at ganap na nasira ang mga bahay ay nakatanggap ng cash assistance na PHP 10,000 mula sa lokal na pamahalaan habang ang mga bahay ng mga pamilyang bahagyang nasira ay tumanggap ng PHP 7,000 bawat isa. Bukod dito, nagbigay din ang opisina ni Senator WIN ng PHP 5,000 kada pamilya.
Ang cash support na kanilang natanggap ay ang kanilang fueling boost upang makahanap ng matitirhan o makabili ng mga materyales para muling makapagtayo ng kanilang mga nasirang bahay.
Nabatid na umabot sa 74 pamilya ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog sa naturang barangay kung saan wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa nasabing insidente habang tinatayang umabot sa PHP 200,000 ang halaga ng ari-arian na napinsala.
Maliban sa cash aid, nagbigay din ang Department of Welfare and Development Office (DSWD) ng Family Kits na naglalaman ng clothes para sa mga bata at matatanda, slippers, bath towels, underwear, at short pants.
Personal na binisita ni Mayor WES ang mga nasunugan upang tingnan kung ano pa ang maibibigay na tulong ng lokal na pamahalaan.
“Alam kong mabigat po ang pakiramdam na mawalan ng mga kagamitan, pero ang importante sa lahat ay buhay tayo – ang ating mga anak ay buhay, ang ating mga magulang, pati po ang mga senior citizen po natin ay nasa maayos pong kalagayan. Ang iba pong pangangailangan na materyal, ‘wag po kayong mag-alala [dahil] nandito po ang lokal na pamahalaan na palagi pong sumusuporta sa inyo.” pahayag ng alkalde.
More Stories
DA NAGSAMPA NG KASO VS IMPORTER NG P20.8-M SMUGGLED NA SIBUYAS, CARROTS
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
OCCIDENTAL MINDORO INUGA NG 5.5 MAGNITUDE NA LINDOL