November 23, 2024

Mayor Tiangco kinondena ang pagpugot sa ulo ng traffic enforcer ng Navotas

MARIING kinondena ni Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang ginawang brutal na pagpatay sa isang traffic enforcer ng Navotas City na isa ring Philippine Navy reservist.

“I condemn in the strongest possible terms the murder of Oliver Ignacio, one of the City’s traffic enforcers. I urge our law enforcement officers to capture the perpetrators soon. This senseless disregard for human life should be meted out with the punishment it deserves” pahayag ni Mayor Toby.

Nagpaabot din ang alkalde ng kanyang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Ignacio. Aniya, nawa’y bigyan sila ng Diyos ng lakas sa panahong ito ng kalungkutan.

“I am deeply saddened and enraged by the murder of one of the City’s traffic enforcers, Oliver Ignacio” ani Cong. Tiangco.

“I pray that justice may prevail and served to the evildoers of this heinous and deplorable crime. I likewise extend my heartfelt condolences to the family of Mr. Ignacio and all who suffer and grieve with them” pahayag na pakikiramay ng mambabatas sa pamilya ng biktima.

Si Ignacio ay sapilitang dinukot ng mga armadong lalaki na nagpanggap na mga pulis at sakay ng isang itim na Mitsibishi Monetro bandang alas-4:45 noong Huwebes ng hapon sa harap ng Navotas City Impounding Area sa C-4 Road, Brgy. BBN.

Dakong alas-6 kinaumagahan nang matagpuan ang pugot na ulo ng biktima na nakasilid sa styro box na kanto ng Florentino Torres at Soler Sts. sa Sta Cruz, Manila.