MULING hinimok ni Mayor Toby Tiangco ang mga residente at mga trabahador sa Navotas sa libreng community testing para sa coronavirus Disease (COVID-19).
Ngayon October, ang City Health Office ay nagtakda ng swab testing tuwing araw ng Sabado, maliban sa October 31, para mapagbigyan ang hindi maiiwan nilang trabaho sa araw ng trabaho.
“As long as there are COVID-19 cases in the city, we have to stay cautious and on our guard. The steep decline in our positivity rate after our initiative to promptly test, trace, treat and isolate patients only shows that we are on the right track,” ani Tiangco.
Mula 23% noong July, ang rate ng pagiging positibo ng lungsod ay bumulusok sa 7% noong katapusan ng Setyembre.
“Our strategy worked. We need to continue and sustain it so we can achieve zero cases soon,” dagdag niya.
Nitong October 3, 103 na mga residente at mga trabahador ang sumailalim sa swab testing. 16 dito ang mula sa personal care services; 12 mula sa beauty parlors at barber shops; 16 mula sa various banks; at 28 mula sa iba pang business establishments sa lungsod.
Kabilang din 22 mga residente na humiling ng tested at siyam na close contacts ng COVID-19 patients.
As of October 5, ang Navotas ay nakapagsagawa ng 34,003 tests o 12.7% ng populasyon nito.
Ang mga residente na gustong sumailalim sa testing ay makipag-ugnayan sa kanila-kanilang mga barangays.
Ang mga kumpanya o mga establisimiyento namang nais na ipatest ang kanilang mga empleyado ay maaaring makipag-ugnay sa City Business Permits and Licensing Office at tumawag sa (0921) 376 2006 at (0921) 890 7520.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA