November 5, 2024

MAYOR SARA HINIKAYAT NA TUMAKBONG PANGULO SA 2022 (Hirit ng ‘Alyansa ni Inday’)

Nanawagan ang isang grupo sa publiko na tumulong upang magtuloy-tuloy para matapos ang mga nasimulang proyekto ng Duterte administration.

Ang grupong ALYANSA NI INDAY Movement na pinamumunuan ni Dr. Alvin Sahagun at ang tagapagsalita nito na si Atty. Si Glynis Cabansag ay nanawagan na tulungan sila sa kanilang panawagan upang hikayatin si Mayor Inday Sarah Duterte Carpio na tumakbo sa pagkapangulo ng bansa oras na matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayun kay Sahagun, marami silang grupo na Kinabibilangan ng iba’t ibang sector mga negosyante na sumusuporta kay Inday Sarah.

Bagama’t kinumpirma ng pangulo na hindi tatakbo ang kanyang anak na si Sara, wala pa rin daw silang nakikitang ibang tao na maaring pumalit at magtuloy sa mga nasimulang mga proyekto ni Pangulong Duterte.

Kasama na dito ang paglaban sa illegal na droga, kurapsyon, Build, Build, Build program, Anti-Poverty Programs, at Livelihood programs na kasalukuyan nang napapakinabangan ng publiko.

Mahalaga din umano ang namumuno ng bansa ang may puso para sa mga mahihirap at hindi hadlang ang anumang kasarian nito upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang pangulo ng bansa.

Binigyan diin ni Sahagun na magsisimula na silang mag-iikot sa Luzon, Visaya at Mindanao upang ipanawagan na suportahan ang kanilang hangarin na mahikayat si Inday Sarah na tumakbo bilang pangulo sa 2022 national election. (Balita ni RUDY MABANAG)